Sariling Mundo

Nagmahal ka na ba na ang feeling mo wala ng ibang mundo kundi sya?

Sinabihan nya ako nito. “Huwag kang mabuhay na parang ako lang ang mundo mo. Maghanap ka ng iba. Gawin mo lang uli ang dati mong ginagawa.”

Ako naman parang alien words yung lumalabas sa bibig nya. Ano? Ibang mundo? Teka, hindi pwede. Gusto ko kasama ka lagi.

Hindi daw pwede yun.

Kaya ayun naghanap ako ng ibang mundo tulad ng sinasabi nya. Nakita ko uli yung dati kong mundo ng pagbabasa ko ng libro, ang paglalaro ko ng computer games, ang lumabas at pagpunta sa mall ng mag-isa. Ang kumain mag isa.

Ibang mundo.

Mag-isa.

Hah! Oo nga. Eto ang mundo ko nung wala pa sya. Nagkaroon ako ng oras sa ibang kaibigan ko na matagal na gusto makipagkita sa akin. Nakapag-sulat ako uli ng mga gusto ko.

Ang dami ko palang ginagawa noon. Tama sya. Masyado na akong nalubog sa mundo nya. Umiikot na lang ang buhay ko sa kanya.

Natuto na rin akong huwag mag-reply kagad sa text nya. Hanggang sa medyo tinamad na akong mag-reply. Tutal magkikita rin naman kami kinabukasan. Natuto rin ako makipag-textmate. Nakakatuwa pala yun. Natuto na rin akong humindi sa mga request nya. Mejo may 30 seconds delay yung pag-Oo ko. hahahhaha!!!

Natuto akong lumihis ng landas. Kaya ayun. Nagkaroon ako ng boylet. Hahahaha!! Buti na lang tameme ang mga barkada ko. Walang lumabas kahit isang word mula sa kanila. Naalala ko tuloy mga ka-malditahan ko dati.

Sige saka na lang yung iba uli.